Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Blog EntryJun 13, '07 1:15 AM
for everyone
Ang lathalain na ito ay pagbibigay pugay sa araw ng ating kalayaan. Ito ay isang testimonya na ikinararangal ko na ako'y isang Pilipino! Maging kulelat man ayon sa mga datos pagdating sa larangan ng edukasyon, ekonomiya at kung anu-anu pa. Ipagmamalaki ko parin at taas noo kong sasabihin, PINOY AKO!
 
Anu nga ba ang sukatan ng pagiging isang Pilipino. Ayon nga sa Panatang Makabayan, "ako'y pilipino sa isip, sa salita at sa gawa" ngunit ito nga ba ay naisasakatuparan? Isang magandang halimbawa ay ang artikulong nabasa ko sa Philippine Daily Inquirer. Ang isyu: bilingualismo (bilingualism). Anu nga ba ang idinudulot nito sa ating bayan? Mukhang mababaw ngunit napakalalim kung susuriing mabuti. Sabi ng iba upang makaangat at maging "globally competitive" kailangan nating maging magaling sa pagsasalita ng wikang Ingles na siyang kinikilala bilang pandaigdigang wika. Hindi na ko lalayo, base sa aking karanasan, sa aming kolehiyo, ipinakakalat mabuti ang pagsasalita ng Ingles dahil ang paniniwala ng mga nakatataas ito ay maghuhulma sa mga mag-aaral na maging mahusay sa pakikipagtalastasan at pagsusulat. May punto sila! Ngunit, hindi nila naiisip na ang ibang mga propesor ay kinakailangan pang ulitin sa wikang Filipino ang ibang mga leksyon upang mas madaling maunawaan ito ng mga estudyante. Hindi ko maiwasang ikumpara ang ating bayan sa mga Hapon, bakit? Dahil kahit hindi sila magaling sa pagsasalita sa unibersal na wika, hindi ito naging hadlang upang magpakita ng kahusayan sa agham at teknolohiya idagdag mo pa ang estado ng kanilang ekonomiya!Kahanga-hanga! Naniniwala ako na hindi wika ang hadlang upang tayong mga Pilipino lalo na ang mga mag-aaral na maabot ang rurok ng kahusayan sa edukasyon dahil mas epektibo parin gamitin ang ating sariling wika na mas naiintindihan ng nakararami.

Isang magandang usapin pa ay ang pagpunta ng ating mga kababayan sa ibang bansa upang humanap at makaranas ng mas magandang buhay. Hindi ko sila masisisi dahil ang mga taong nagpapatakbo sa ating gobyerno ay hindi ganun kaepektibo. Mahirap ang buhay sa Pinas pero gayunpaman makikita mo parin ang pag-asa at ngiti sa bawat Pilipino. Ang patuloy na pag-alis ng ating mga doktor, nurse, inhinyero, arkitekto at iba pang mga mahuhusay na manggagawa ng ating bansa ay hindi nangangahulugan na lahat sila ay lilimot sa atin. Naniniwala ako na meron sa kanila na magpapagamit at ibabahagi ang kanilang husay at talino sa dayuhang bansa ngunit sila ay makikinabang din sa mga kaalaman na makukuha nila mula roon at ibabahagi sa ating Inang Bayan para sa ating ikaaasenso. Malamang ganyan din ang aking gawin upang mabigyan ko ang aking pamilya ng maginhawang buhay kung hindi man maging sapat ang aking kikitain balang araw. Ngunit ako'y nangangako na babalik at ibabahagi ang mga kaalaman na aking makukuha mula sa dayuhang bayan na ako'y papakinabangan upang ibahagi sa minamahal kong Pilipinas. Nais kong sabihin na hindi sukatan ng pagmamahal sa bayan ang paghahanap ng trabaho sa ibang bayan dahil ang mga "OFW" ay mga bagong bayani dahil natitiis nila na malayo sa pamilya para lang mabigyan sila ng magandang buhay. Sila rin ay nakakatulong sa pagpasok ng dolyar sa ating bansa at unti-unti naman nating nararamdaman ang epekto nito.
 
Mga kapatid, huwag natin iasa ang ating buhay sa gobyerno na alam naman nating depektibo. Tayo ay humingi ng patnubay sa Poong maykapal at gamitin ang ating kaalaman at abilidad upang umasenso sa buhay. Ang laging paghihinaing ay hindi makakatulong dahil iniaasa natin ang ating kapalaran sa mga tao na hindi tayo sigurado kung talagang taos sa puso ang pagtulong o dahil lamang sila ay nasisilaw sa kapangyarihan at kayamanan. Hindi rin naman masama na ilabas ang ating mga saloobin at ipaalam sa mga namumuno ang kanilang bulok na serbisyo. Subalit, salamat narin dahil may gobyerno, kung hindi mas magulo ang ating sistema sa ngayon. Isipin nyo nalang kung walang mga pamantayang kelangan sundin, eh di labo-labo lahat ng tao diba?

Ang mga munting ngiti na nagbibigay buhay at pag-asa sa bawat araw na lumilipas. Hanggat may kabataan, may pagasa ayon kay Gat Jose Rizal. Salamat sa mga bayani na nakipaglaban para makamit natin ang ating Kalayaan. Pinagbuklod nila ang buong bansa at sana hindi natin ito ipagsawalang bahala.

Kaakibat natin ang Diyos sa anumang nararanasan nating buhay ngayon, maginhawa man o mas madalas na kahirapan, ang importante patuloy tayong manalig sa Poong Maykapal. Mabuhay ang Sambayang Pilipino!


steiffykim wrote on Jun 13, '07
what i can say about the ... ay! Paumanhin sa aking kalapastanganan, ako ay nakalimot na ipinagdiwang natin ang araw ng kalayan kaya dapat ako ay guamit lamang ng ating sariling wika, ang wikang Filipino.
Sa aking palagay, ang isyu patungkol sa bilingualismo ay lumang usapin na, ngunit ni isa man sa mga opisyal ng ating pamahalaan ay walang nais na bigyang linaw at solusyon ang isyung ito, upang magkaroon ng mas malawakang pagkakilanlan ang ating bansa. Kung baga mayroon taung tinatawag na "distinction" at map2dali ang pakipagkalakal, at anumang transaksyon lalo na't ang mga kapuluan sa ating bansa ay hiwahiwalay . Bukod pa dito parang ang Araw ng Kalayaan ay talagang paggunita na lamang at d pags2gawa. Napaka dali nmn nating makibagay sa mga banyaga, ganun daw kasi tayong mga pilipino madaling "mag-adjust"... at dahil sa ugali nating ito, hay naku ang dali rin para sa atin ang makalimot. Hindi kasi "sosy" pakinggan at ganitin ang ating sariling wika, d na kasi "in" ang mga pauso ni Francisco Balagtas.
Pero ang totoo kung saan nagmula ang isang nilalang dun din ang kanyang kahahantungan. Kahit na mag-pasosy ka pa, mga repapips d nyo pa rin maikakaila ang dugong nananalaytay sa inyong "veins"... Ikaw!? natatandaan mo ba ang iyong aklat sa Pilipino noong nasa ika-unang baytang ka pa lamang?... " Ako si Maria, nakatira ako sa Pilipinas. Ako ay Pilipino" sana maala2 mo!
nikky3 wrote on Jun 13, '07
Ito ang pinakamahabang komento na natanggap ko. Salamat kim! Sadyang totoo lahat ng iyong sinabi.
Comment deleted at the request of the author.
Comment deleted at the request of the author.
dellkobe08 wrote on Jun 10, '08
nice 94 ako..konopya ko kc...
jaja0804 wrote on Jun 14, '09
maduga ah..hahaha
477230 wrote on Jul 15, '10, edited on Jul 15, '10
maduga ah..hahaha
ephal :( walang katuturan de joke lang:) <3
477230 wrote on Jul 15, '10
huhu
000000
Add a Comment